Saturday, March 6, 2010

Ang Babaeng Idinenay ni Aljur!

LinkGrand.com

Naging malaking isyu rin ang paglalabas namin ng litrato ng isang babae na naghahabol umano kay Aljur Abrenica. Siya ang idinenay umano ni Aljur na naka-date sa Puerto Galera noong nakaraang summer. Ang very intriguing sa kuwento, minolestiya umano ni Aljur ang girl na lumalabas na isa palang menor de edad! Ang lahat naman ng kuwento ng babae ay marring pinabulaanan ng kampo ni Aljur.

Malayo na ang itinakbo ng usaping ito. Nasa korte na ang kasong isinampa ng girl laban kay Aljur, at nagbigay na rin ng counter affidavit ang kampo ni Aljur. Patuloy pa rin tayong susubaybay sa magiging takbo ng usaping ito.

Taken from Pinoy Parazzi



Wendy Valdez: Imoral Na, Sinungaling Pa?!

LinkGrand.com

Hindi na nakapag-sinungaling pa si Wendy Valdez nang isa-isa naming inilabas sa Pinoy Parazzi ang mga katibayan ng kasal nila ni Bruce Quebral. Matagal nang usap-usapan ang sikretong pagpapakasal ng dalawang ex-PBB housemates, pero lagi't lagi ittong idinedenay ni Wendy. Pero wala na nga siyang nagawa kundi aminin na rin dahil buking na nga, at sinabi na lang na kaya nila hindi inaamin ang isyu ay sa dahilang against daw ang pareho nilang parents sa pagpapakasal nila, komo't pareho silang breadwinner.

Pero ang hindi pa rin nasagot ni Wendy ay ang tungkol sa kanila ni Will Devaughn, na siyang dahilan ng paghihiwalay din nila ni Bruce, wala pang isang taon mula nang ikasal sila.

Taken from Pinoy Parazzi



Ruffa At John Lloyd, Magkasamang Nag-Check-In!

LinkGrand.com

Isa sa pinakamainit na showbiz intriga ang kinasangkutan nina Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz. Laman ng mga usap-usapan sa apat na sulok ng mundo ng entertainment ang relasyon umano ng dalawa. Pero nabigla ang lahat ng lumabas ang 'ebidensya' ng kanila umanong relasyon -- ang litratong unang inilabas ng Pinoy Parazzi -- kung saan nakunang magkasamang papasok sina Ruffa at Lloydie sa SLS Beverly Hills Hotel sa California, last June 22. Nagkaroon na nga ng mukha at katawan ang sinasabing 'imaginary friend' ni Ruffing.

Ang ending, bagama't inamin ni Ruffa na silang dalawa nga ni John Lloyd ang nasa litrato, itinanggi naman niyang nag-check-in silang dalawa sa nabanggit na hotel. Sinamahan lang daw niya si John Lloyd doon. At kapwa pa rin nilang itinanggi na may relasyon nga silang dalawa, aside from being 'friends'.

Taken from Pinoy Parazzi



Friday, March 5, 2010

Hayaan Niyo Na Si Manny Pacquiao

LinkGrand.com
By Raffy Tulfo


Kahit pa mambabae si Manny Pacquiao ng sandaang beses ay wala tayong pakialam dahil sariling pera naman niya ang kanyang ginagastos sa kanyang pambababae.

Ang dapat pinapakialaman ay mga babaerong opisyal ng gobyerno na pera mula sa kaban ng bayan ang ipinantutustos sa kanilang bisyo. Tulad na lang nitong isang government official na binubuhusan niya ng gastos ngayon ang girlfriend niya na isa sa mga host ng isang sikat na noontime TV show. Kamakailan, binilhan ni government official ng condo sa isang mamahaling subdivision sa San Juan ang kanyang nasabing GF.

Taken from Pinoy Parazzi



Autistic Daw Ba Si Noynoy Aquino?

LinkGrand.com

By Raffy Tulfo

Sa segment na Juan on 1 ng TV Patrol World sa ABS-CBN noong November 27, kinunan ng reaksiyon ni Ted Failon si Sen. Noynoy Aquino, isa sa mga presidentiable para sa 2010 elections, tungkol sa mga taong nagsasabing autistic daw ang senador.

Bagamat, kung tutuusin, nakapipikon ang nasabing tanong, walang nakitang bakas ng pagkapikon sa mukha ni Noynoy nang sagutin niya ang tanong. Maganda ang kanyang naging sagot at pinatunayan niyang isa siyang normal at intelihenteng tao.

Naniniwala ang SHOOTING RANGE na ang mga katunggali ni Noynoy sa pulitika ang pasimuno sa pagpapakalat sa paninira na siya's isang autistic. Naniniwala rin ang SHOOTING RANGE na may sapat na kakayahan si Noynoy -- physically, mentally at emotionally -- na maging pangulo ng ating bansa.

Pero kundi mamasamain ni Noynoy, isang unsolicited advice ang nais iparating sa kanya ng SHOOTING RANGE. Dapat maging conscious siya palagi sa porma ng kanyang bibig lalo pa kapag siya'y nasa publiko at maraming nakatutok na camera.

Madalas mapitikan si Noynoy ng video sa mga pagtitipun-tipon na nakanganga. Kung minsan pa, malayo ang kanyang tingin at mistulang tulala. Dito marahil nagsimula ang paninira sa kanya ng kanyang mga kalaban sa pulitika na siya'y hindi normal.

Taken from Pinoy Parazzi