Showing posts with label litrato. Show all posts
Showing posts with label litrato. Show all posts

Friday, March 12, 2010

Giselle Sanchez

LinkGrand.com

Hindi talaga namin kinaya ang lumabas na litrato ng magaling na komedyanteng si Giselle Sanchez sa October 22, 2009 issue. Sa 'katamaran' ni Giselle na umikot sa parking area kung saan naroon ang studio entrance ng Eat... Bulaga! sa Broadway Centrum, hala... talagang nag-ober da bakod ang lola n'yo! Keber talaga siya kung mawala man ang poise!

Taken from Pinoy Parazzi



Saturday, March 6, 2010

Carla Abellana At Jc Intal, Gimik Lang Ang Hiwalayan?

LinkGrand.com

Ipinadala sa e-mail ng Pinoy Parazzi ang mga litrato ni Carla Abellana kasama ang kanyang boyfriend na basketball player na si JC Intal. Ang mga ito umano ang katibayan na hindi pa break si Rosalinda sa kanyang BF, dahil siya mismo raw ang nag-post ng mga litrato sa isang networking site account ni JC, ayon sa nagpadala sa amin ng mga litrato.

Pero, itinanggi rin ni Carla ang chikka, at sinabing lumang litrato ang mga lumabas sa Internet. Sa katunayan nga raw, matagal na niyang pinatatanggal ang mga iyon sa Facebook account ng BF. Nang inilabas namin ang istoryang sinulat ni Lolit Solis, two months na raw hiwalay sina Carla at JC.

Taken from Pinoy Parazzi



Ang Babaeng Idinenay ni Aljur!

LinkGrand.com

Naging malaking isyu rin ang paglalabas namin ng litrato ng isang babae na naghahabol umano kay Aljur Abrenica. Siya ang idinenay umano ni Aljur na naka-date sa Puerto Galera noong nakaraang summer. Ang very intriguing sa kuwento, minolestiya umano ni Aljur ang girl na lumalabas na isa palang menor de edad! Ang lahat naman ng kuwento ng babae ay marring pinabulaanan ng kampo ni Aljur.

Malayo na ang itinakbo ng usaping ito. Nasa korte na ang kasong isinampa ng girl laban kay Aljur, at nagbigay na rin ng counter affidavit ang kampo ni Aljur. Patuloy pa rin tayong susubaybay sa magiging takbo ng usaping ito.

Taken from Pinoy Parazzi