By Raffy Tulfo
Sa segment na Juan on 1 ng TV Patrol World sa ABS-CBN noong November 27, kinunan ng reaksiyon ni Ted Failon si Sen. Noynoy Aquino, isa sa mga presidentiable para sa 2010 elections, tungkol sa mga taong nagsasabing autistic daw ang senador.
Bagamat, kung tutuusin, nakapipikon ang nasabing tanong, walang nakitang bakas ng pagkapikon sa mukha ni Noynoy nang sagutin niya ang tanong. Maganda ang kanyang naging sagot at pinatunayan niyang isa siyang normal at intelihenteng tao.
Naniniwala ang SHOOTING RANGE na ang mga katunggali ni Noynoy sa pulitika ang pasimuno sa pagpapakalat sa paninira na siya's isang autistic. Naniniwala rin ang SHOOTING RANGE na may sapat na kakayahan si Noynoy -- physically, mentally at emotionally -- na maging pangulo ng ating bansa.
Pero kundi mamasamain ni Noynoy, isang unsolicited advice ang nais iparating sa kanya ng SHOOTING RANGE. Dapat maging conscious siya palagi sa porma ng kanyang bibig lalo pa kapag siya'y nasa publiko at maraming nakatutok na camera.
Madalas mapitikan si Noynoy ng video sa mga pagtitipun-tipon na nakanganga. Kung minsan pa, malayo ang kanyang tingin at mistulang tulala. Dito marahil nagsimula ang paninira sa kanya ng kanyang mga kalaban sa pulitika na siya'y hindi normal.

Taken from Pinoy Parazzi
No comments:
Post a Comment