Showing posts with label usap-usapan. Show all posts
Showing posts with label usap-usapan. Show all posts

Friday, March 12, 2010

Ang Bagong Papa Ni Eula?


LinkGrand.com

Ngayong tapos na ang "rocky marriage" ni Eula Valdes sa ngayon ay EX n'yang si Richard Litonja, usap-usapan naman ang relasyon n'ya with her new papa named Rocky Salumbides na isang ramp model.

Chika ni Eula, distansiya raw ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sila ng kanyang asawa. At ito ngang si Rocky ay kontrobersiyal ngayon sa Bahay ni Kuya dahil sa diskriminasyon umano nito sa special housemate na si Rica.

And yes! Sa bahay mismo ni Kuya, inamin ni Rocky sa kanyang housemates na may relasyon nga sila ni Amor Powers! O, maitatanggi pa ba?

Taken from Pinoy Parazzi



Saturday, March 6, 2010

Wendy Valdez: Imoral Na, Sinungaling Pa?!

LinkGrand.com

Hindi na nakapag-sinungaling pa si Wendy Valdez nang isa-isa naming inilabas sa Pinoy Parazzi ang mga katibayan ng kasal nila ni Bruce Quebral. Matagal nang usap-usapan ang sikretong pagpapakasal ng dalawang ex-PBB housemates, pero lagi't lagi ittong idinedenay ni Wendy. Pero wala na nga siyang nagawa kundi aminin na rin dahil buking na nga, at sinabi na lang na kaya nila hindi inaamin ang isyu ay sa dahilang against daw ang pareho nilang parents sa pagpapakasal nila, komo't pareho silang breadwinner.

Pero ang hindi pa rin nasagot ni Wendy ay ang tungkol sa kanila ni Will Devaughn, na siyang dahilan ng paghihiwalay din nila ni Bruce, wala pang isang taon mula nang ikasal sila.

Taken from Pinoy Parazzi



Ruffa At John Lloyd, Magkasamang Nag-Check-In!

LinkGrand.com

Isa sa pinakamainit na showbiz intriga ang kinasangkutan nina Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz. Laman ng mga usap-usapan sa apat na sulok ng mundo ng entertainment ang relasyon umano ng dalawa. Pero nabigla ang lahat ng lumabas ang 'ebidensya' ng kanila umanong relasyon -- ang litratong unang inilabas ng Pinoy Parazzi -- kung saan nakunang magkasamang papasok sina Ruffa at Lloydie sa SLS Beverly Hills Hotel sa California, last June 22. Nagkaroon na nga ng mukha at katawan ang sinasabing 'imaginary friend' ni Ruffing.

Ang ending, bagama't inamin ni Ruffa na silang dalawa nga ni John Lloyd ang nasa litrato, itinanggi naman niyang nag-check-in silang dalawa sa nabanggit na hotel. Sinamahan lang daw niya si John Lloyd doon. At kapwa pa rin nilang itinanggi na may relasyon nga silang dalawa, aside from being 'friends'.

Taken from Pinoy Parazzi