Showing posts with label wiping. Show all posts
Showing posts with label wiping. Show all posts

Friday, February 26, 2010

Wiping Off Ignorance: Filipino Version

LinkGrand.com

Anu-ano kaya ang mga bagay na laman ng isip ng isang karaniwang manggagawa sa buong maghapon? Naitanong namin ito sapagkat sa hinaba-haba ng panahong nakikihalubilo kami sa mga manggagawa sa ating kapuluan, ay may napupuna kami: maliit ang daigdig ng karaniwang manggagawang Pilipino.


May iilang mga bagay lamang ang nangunguna at nangingibabaw sa kanyang isipan sa araw-araw na ginawa ng Diyos, at ang mga bagay na ito ay may kinalaman sa kanyang pamilya, mga pag-aari at mga pinagnanasaan niyang maangkin. Tanungin mo siya ng anuman sa labas ng mga bagay na ito at kadalasan, ang kanyang maisasagot sa iyo ay isang sulyap na nagtataka, o isang titig na walang nilalaman. Tanungin mo siya tungkol sa quality o uri sa paggawa o paglilingkod, at kukunot ang noo niya pagkat hindi niya mauunawaan ang iyong tinutukoy.

Tanungin mo kung gaano ang nalalaman niya tungkol sa Pilipinas; malamang na halos ay wala siyang masasabing may laman. Lalo nang wala siyang nalalaman tungkol sa iba't ibang bansa sa mundo--para sa kanya, ang abroad ay Amerika at Saudi lamang; at huwag ka nang magtaka kung hindi rin niya kilala ang mga bansang kabilang sa
ASEAN.

Wala rin siyang gasinong masasabi tungkol sa pagmamalasakit sa kapaligiran (
environment) at sa recycling o ang paggamit muli ng mga bagay na patapon na sapagkat "dayuhan" sa kanyang isip ang mga ideyang ito. Hindi man lamang niya nalalaman kung anu-ano ang kanyang mga karapatan bilang isang manggagawa sa ating lipunan; papaano pa kaya siya magkakaroon ng interes sa iba pang mga bagay sa labas ng kanyang maliit na mundo?

Ano kaya ang dahilan kung bakit ganitong kaliit ang daigdig ng manggagawang Pilipino? Kakulangan ng wastong pagtuturo sa paaralan, sa pagawaan, sa lipunan? Kakulangan ng malasakit mula sa kanyang kapwa? Likas kaya siyang makitid at mababaw?

Tulungan natin ang hamak na manggagawang mapalawak ang kanyang kaalaman at pananaw, nang sa gayon ay matutunan niyang yapusin ang sangkatauhan at daigdig sa labas ng kanyang pamilya't mga pangangailangan.

Mabuhay ang manggagawang Pilipino!

You can read the English version of this article here.


Taken from Blue Collar magazine



Wiping Off Ignorance

LinkGrand.com

What concerns occupy the average worker's mind throughout the day? We're asking this question because we've noticed something through all these years of hobnobbing with workers from different parts of our archipelago: small is the world of the ordinary Filipino worker.

There are but a few things that occupy his mind day in and day out, and these usually have something to do with his family, his possessions and the things he wants to acquire. Ask him anything outside of these concerns and perhaps the answer you'll get is a bewildered glance or a blank stare. Ask him about quality at work and he'll most probably frown because he wouldn't know what you're referring to.

Ask him what he knows about the Philippines; he probably won't say anything substantial. He knows much less about other countries--for him, "abroad" means only the United States and Saudi Arabia--and don't wonder if he doesn't even know the ASEAN member states.

He doesn't have much to say either about environmental concern and recycling for these ideas are alien to his mind. He's not even aware of his rights as a worker; how would he be interested at all in anything outside of his little world?

What are the reasons the ordinary Filipino worker's world is so small? Inadequate education in school, at the workplace, in society? A lack of concern from his fellowmen? Is he by nature narrow and shallow?

Let us help the humble worker broaden his knowledge and his horizon, so that he may learn to include in his embrace mankind and the world outside of his family and his needs.

Long Live the Filipino worker!

You can read the Filipino version of this article here.

Taken from Blue Collar magazine