Showing posts with label buhay. Show all posts
Showing posts with label buhay. Show all posts

Saturday, March 13, 2010

Ang Pasko... Ayon Sa Mga Stars

LinkGrand.com

Ni Joey Sarmiento

Akala ng iba, porke't nasa showbiz ang mga artista, e, wala na silang pakialam sa mas malalim na depinisyon ng Pasko sa kanilang buhay. Puro kasiyahan, porma at gastos lang daw kasi ang nakikita ng ilan sa mga showbiz celebrities pero ang totoo, kapag wala na sa limelight ang ating mga taartits, e, malalim rin ang kanilang pakahulugan kung Pasko ang pag-uusapan, lalo na't ngayong inulan ng trahedya ang ating bansa.

Kaya para mapatunayan sa ating mga loyal readers na ang ating mga celebrities, e, parang ordinaryong tao rin na may puso't damdamin, isa-isa namin silang tinanong at narito naman ang kanilang mga sagot.

Ano ang kahulugan ng Pasko sa gitna ng trahedyang naranasan ng ating bansa nitong nakaraang mga buwan?






DINGDONG DANTES

"Kahit na ano pa ang nangyayari sa bansa natin ngayon, we should always think on a positive side. And this coming Christmas, for me, I want to help those people na affected ng mga tragedies na nangyari to turn the negative into positive. Maybe, these are all lessons para matuto tayo and become stronger."











SUNSHINE DIZON

"Tama na muna ang mga intriga at hindi magagandang issues ngayong pasko. We should concentrate on giving and sharing para sa mga less fortunate na kababayan natin."













CESAR MONTANO

"Kapayapaan. Kailangan natin ng kapayapaan at katahimikan ngayong Pasko para sa ating lahat."








PAULEEN LUNA

"We should grab this opportunity para mag-reflect at mag-isip kung bakit nangyayari sa atin ang ganitong tragedies and at the same time, kailangan nating mag-pray and makipag-communicate sa Itaas and do our own share of responsibility para mapangalagaan natin ang ating kapaligiran."











AUBREY MILES

"For me, Christmas is the best day. I believe in Christmas. I believe in Santa Claus. It's about love, giving and receiving."











Gary and Angeli Valenciano

"Christmas is a time of reflection and giving, not anymore expectant of gifts but to think of the reason for the reason, why Jesus was born for salvation."









Richard Gomez and Lucy Torres

"This is the season of sharing and giving lalo na ngayong panahon na ito. Kung may ibibigay ka naman, you might as well share it nang bukal sa puso mo at ganu'n naman dapat ang gawin natin kahit na hindi Pasko."






Taken from Pinoy Parazzi



Tuesday, December 29, 2009

SA AKING ANAK



Sa aking anak, na di ko pa nasisilay

Na sa kinabukasan pa darating ang kanyang buhay
Maging babae man siya, o lalaki mang tunay
Lahat ng paghihirap ko'y sa kanya ko iniaalay.

Dahil sa kanya ako'y magsusumikap
Na pagbutihing maigi ang aking hinaharap
At matagpuan ko sana ang aking hinahanap
Na maayos na landas na para sa kanya'y aking pinapangarap.

Ang pag-aaral ng mabuti ay aking gagawin
At ang pagtatapos ng collegio'y aking tatanawin
Ang hiwaga ng buhay pilit kong uunawain
At kapagka tapos na, sa kanya'y aking gagawing bilin.

Aking mga pagkakamali sa kanya ko ipakikita
At aking hihilingin na sana'y huwag niya itong magaya.
Ang tanging bagay lamang na aking maipapamana
Ay ang isang ugali namin na tigib ng pag-asa.

Ang kaugalian na ito na aking sinasabi
Ay naging gabay sa pagdaan ng maraming salinlahi
Hindi mabubuwag at hindi mahahati
Na pagmamahal sa Diyos, kung saan tayo nahirati.

Gawing gabay mo sana ang winika niyang utos
At ang buong buhay mo'y liligaya ng lubos
Mahal ka ng Panginoon, kanyang buhay ay ibinuhos
Upang sa kasalanan at kamatayan tayong lahat ay matubos

Umiwas ka lagi sa barkadang masama
At sa mga taong palalo at walang mabuting magawa
Lumayo ka sa kanila at baka ikaw ay mahawa
Mula sa kanila wala kang mapapala.

Tanawing palagi ang iyong pupuntahang bukas
At tiyakin mong maigi na tuwid ang iyong landas
Sulyapang panandalian pinanggalingan mong bukas
Sapagkat dito magmumula ang kinakailangan mong lakas.

Hanggang sa muli, bukas tayo magkikita
Kapag ikaw ay lumabas at naisilang na
Ngunit sa ngayo'y ako'y may gagampanan pa
At iyan ay hanapin ang nararapat mong ina!

Ricky Reodica, 5ME

Taken from The Bosconian Forum