Friday, March 12, 2010

Ang Bagong Papa Ni Eula?


LinkGrand.com

Ngayong tapos na ang "rocky marriage" ni Eula Valdes sa ngayon ay EX n'yang si Richard Litonja, usap-usapan naman ang relasyon n'ya with her new papa named Rocky Salumbides na isang ramp model.

Chika ni Eula, distansiya raw ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sila ng kanyang asawa. At ito ngang si Rocky ay kontrobersiyal ngayon sa Bahay ni Kuya dahil sa diskriminasyon umano nito sa special housemate na si Rica.

And yes! Sa bahay mismo ni Kuya, inamin ni Rocky sa kanyang housemates na may relasyon nga sila ni Amor Powers! O, maitatanggi pa ba?

Taken from Pinoy Parazzi



Malu Barry, Bagong Babae Ni Jomari?

LinkGrand.com

Huling-huli ng ating kamerang gala ang mga sweet-sweet-an moments nina Jomari Yllana at Malu Barry sa birthday party ni Direk Maryo J. Delos Reyes. Matagal nang natsitsismis na nag-move on na nga raw itong si Jomari sa bitter-sweet hiwalayan nila ni Pops at may bago na nga raw itong pinopormahan. Ang 80's star na si Malu Barry na kaya ito? Kayo na lang ang humusga!

Taken from Pinoy Parazzi



Thursday, March 11, 2010

Roxanne Guinoo And Non-Showbiz Boyfriend!

LinkGrand.com

Huling-huli ng ating kamerang-gala si Roxanne Guinoo sa premiere night ng pelikulang Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie na may ka-holding hands na guwapong lalaki. Ito umano ang misteryosong non-showbiz boyfriend ng dalaga? Hmmm... mukhang papable nga si Papa!

Taken from Pinoy Parazzi



Vicki At Hayden, Nakitang Magkasama!

LinkGrand.com

Bagama't patuloy na sinasabi noon ni Dra. Vicki Belo na 'friends' na lang ang relasyon nila ang kontrobersiyal na si Hayden Kho -- matapos ngang sumambulat sa publiko ang pinagpistahang sex video scandal ni Hayden -- madalas pa ring napagkikitang nagde-date ang dalawa. Kahit pa nga itinatanggi rin ni Vicki na nagkikita pa sila ni Hayden, at sa cellphone na nga lang daw ang kanilang komunikasyon.

Gaya nga nitong inilabas namin na nahuling magkasamang nanood ng isang show sa Teatrino sa Greenhills noong August 13 sina Vicki at Hayden.

Pero nitong nakaraang Star Awards for TV, hindi si Hayden ang date ni Vicki, kundi isang non-showbiz guy. Out na ba talaga si Hayden sa puso ni Vicki, kung paanong out na nga rin sa kanyang pagka-doktor matapos na tanggalan ng lisensiya? Hmmm...

Taken from Pinoy Parazzi



Saturday, March 6, 2010

Carla Abellana At Jc Intal, Gimik Lang Ang Hiwalayan?

LinkGrand.com

Ipinadala sa e-mail ng Pinoy Parazzi ang mga litrato ni Carla Abellana kasama ang kanyang boyfriend na basketball player na si JC Intal. Ang mga ito umano ang katibayan na hindi pa break si Rosalinda sa kanyang BF, dahil siya mismo raw ang nag-post ng mga litrato sa isang networking site account ni JC, ayon sa nagpadala sa amin ng mga litrato.

Pero, itinanggi rin ni Carla ang chikka, at sinabing lumang litrato ang mga lumabas sa Internet. Sa katunayan nga raw, matagal na niyang pinatatanggal ang mga iyon sa Facebook account ng BF. Nang inilabas namin ang istoryang sinulat ni Lolit Solis, two months na raw hiwalay sina Carla at JC.

Taken from Pinoy Parazzi