Wednesday, January 20, 2010

Treasures of the Heart: Judy Ann's 30 Most Special Things and Places

LinkGrand.com

1
security pillows
Dalawang unan palagi dapat meron sa kotse ko. Hindi ako kumportable umalis pag wala akong dalang unan. Feeling ko may hindi magandang mangyayari sa akin.

2 necklace from Ryan

Para sa isang babaeng marami-rami na rin naman ang pinagdaanan sa aspeto ng puso, malaking bagay ang ipagkatiwala sa iyo ang kuwintas na nagmula pa sa nanay ng lalakeng minamahal mo. Simbolo 'yon ng pagmamahal at higit sa lahat, ng pagtitiwala. Nung gabing isinuot ni Ryan sa akin ang kuwintas, halo-halo ang pakiramdam ko. May saya, may kaba, pero higit sa lahat, napaka-haba ng buhok ko, umabot hanggang Pagudpod 'nung oras na yon ang buhok ko!

3 my cell phone

High school ako unang nagka-cellphone. Dinaig ako ng mga kabataan today na 11 years old pa lang yata, o mas bata pa, may cellphone na! Pero yung hindi high-tech na unit ang sa akin. Madalas ko kasing nawawala eh. Importante lang na may pang-text at pantawag ako.

4 our Oris and Tissot watches

Yung Oris watch, gift ni Ryan sa akin nung Christmas. His & Hers watches kami. Yung Tissot, binili namin sa Prague nung nag-Europe trip kami.

5 chef's garb

Madalas sa mga taping o shooting ko, iba't-ibang characters ang ginagampanan ko. May doctor, teacher, abogado at kung ano-ano pa. Nung mag-e-enroll ako sa culinary school, ang isa sa mga pinaka-aabangan kong makuha nung araw ng klase namin ay ang uniform namin.Una kong tinignan ang nakaburdang pangalan sa garb ko. Pagsuot ko ng uniform ko, katumbas pala ng pakiramdam na 'yun sa akin ay ang pagtanggap ng acting award. May konting kaba dahil siguro excited ako at babalik ako sa pag-aaral. Pero higit sa kung ano pa man, kapag suot ko ang garb ko, ibang tao ako, hindi ako artista. Isang tao na gusto maging chef, isang tao na bumubuo at tinutupad ang isang bagong pangarap.

6 Chiang Mai

Christmas gift ni Ryan sa akin two years ago. Nag-cooking school ako, at saka pumangas kami ng pagkarami-rami. Tahimik yung lugar, parang Baguio at napaka-friendly ng mga tao. Nag-bungee jumping kami ni Rye dun, na muntik ng malagot ang tonsils ko kakasigaw. Pagkatapos nun, bingi na si Rye.

7 Tagaytay

Kapg punong-puno na ng intriga ang buhay ko, o kaya pagod na pagod lang ako, pumupunta ako ng Tagaytay. Minsan, mag-isa lang ako nag-da-drive papunta dun. Wala lang, para maiba lang ang ginagawa ko. Kadalasan, gusto ko lang ng tahimik at walang kausap; minsan naman, kasama ko ang mga kaibigan ko, pero hindi rin kami nag-uusap. Ganyan ang trip ko noon.

8 Our Lady of Manaoag

We always go here nila Mommy kapag magpapasalamat or to simply just pray. Tuwing may bagong sasakyan, sa Manaoag namin pinapa-bless palagi. Hanggang ngayon, devotee kami ng Our Lady of Manaoag. Dito rin kami nagkakilala ni Fr. Sonny Ramirez. We became good friends, and until now, palagi siyang nag-ce-celebrate ng Thanksgiving Mass every Christmas.

9 Infant Jesus of Pampanga

Si Tito Alfie ang nag-introduce sa akin sa Infant Jesus sa Pampanga. Seven Sundays na magkakasunod akong nagpunta to say my Novena. After the seventh Sunday, nag-dere-derecho na blessings ko. Sa kanya rin ako humiling ng tamang lalaking mamahalin at makakasama habang buhay -- and after ilang years, dumating si Ryan sa buhay ko.

10 Antipolo

Dito kami lumaking magkakapatid; dito nabuo ang childhood ko, kaya siguro wala akong regrets sa buhay. Na-experience ko kung paano maging bata. Nagkaroon din ako ng chance na makapag-shooting ng pelikula sa dating school ko, kasama mga classmates ko nung Elementary.

11 Nintendo-DS

Maliban sa niregalo ni Rye (Ryan Agoncillo) sa akin yun, siya lang ang kasa-kasama kokahit saan. Pang-lilbang ko, saka ni Yohan.

12 my chef's kit

Kapag artista ka, importante ang kikay kit mo, ang make-up kit. Pero kapag nag-chef ka, ang pinaka-importanteng bitbit mo ay mga kutsilyo, pang-hasa at kung ano-ano pang gamit sa pagluluto. Simula nung mag-aral ako, hindi pwedeng mawala sa paningin ko ang tool kit ko at ang Chef's Kit ko.

13 my acting awards

Isa sila sa pinaka-magandang nangyari sa akin. Nagkaroon ng marka lahat ng pinaghirapan ko sa more than 20 years ko sa industriya. Excited akong ipakita sila sa mga anak ko at magiging apo.

14 perfume

Para rin syang lampin sa akin. Tatlong klaseng pabango palagi ang dala ko: may pang-formal, hindi masyadong pormal at saka pang araw-araw lang. Turo din ni Ate Mary sa akin yun. Dapat palagi akong mabango.

15 Café Ysabel

Obviously, dito nabuo at nag-umpisa ang mga pangarap ko maging chef. Hindi pa naman ako ganap na chef talaga -- struggling pa lang! Parang opisina ko na rin siya, kasi kapag may meetings, interviews at kung ano-ano pa, dito na lang namin ginagawa. Bakit? Eh kasi nag o-OJT ako dun.

16 pink Vespa

Birthday gift ni Rye sa akin two years ago ito. First motor ko at Vespa pa. After niya ako turuan mag-vespa for Super G., niregalo na niya yung Vespa sa akin.

17 the Roadtrek

Eto ang dream car ko talaga. Bata pa lang ako, gustong-gusto ko talagang makasakay sa sasakyang parang bahay. (Yun ang tawag ko sa Roadtrek nung bata pa ako). Nung finally, nabili ko na siya, tatlong araw akong hindi makatulog at tatlong linggo akong palaging nakangiti. Reward ko siya sa sarili ko sa walang humpay kong pagtatrabaho. Mas lalo naman din akong nagsipag magtrabaho. Nabenta ko na siya ngayon, pero masaya rin ako kasi natupad ko ang isa sa mga pinangarap ko.

18 gumamit ng lampin

I started using this nung nakasama ko si Ate Mary (Maricel Soriano). Malambot raw kasi yung tela, saka mabilis maka-absorb ng pawis. Mula high school hanggang ngayon, may lampin pa rin akong dala kahit saan ako magpunta. Sa ibang tao, kapag nakakalimutan nila magsuot ng watch, pakiramdam nila, hubad sila. Ganoon ako sa lampin.

19 Batangas

Mahilig kami ni Rye sa beach. Kapag may butas sa schedule namin, pumupunta kami ng Batangas to unwind and relax. Minsan nag-da-dive kami doon with our friends, tapos kwentuhan lang, ang sarap, at ang saya.

20 Baguio

Madalas din akong mag-road trip sa Baguio. Day trip lang, lalo na kapag wala akong pera. Aakyat ako ng madaling-araw, kakain ng breakfast sa Café by the Ruins, mag-ta-take out ng kamote bread at rice wine. Tambay ng konti, punta sa palengke, tapos uwi na. Ganun lang ka-simple ang trip ko: bugbugin ang katawan ko sa biyahe.

21 Greenbelt 5

First time akong maka-experience ng movie marathon sa buong buhay ko. Dalawang movies ang pinanood namin ni Rye nang tanghaling tapat. Sabi niya kasi masyado na akong maraming nami-miss na pelikula! Mula nun, updated na ako sa lahat ng movies na lumalabas.

22 NAPA Valley

Sa sobrang kagustuhan kong makakita ng maraming winery, dinala kami ni Ryan ng mga kaibigan namin sa Napa Valley. Na-in love ako sa lugar at doon ko nakita ang culinary school na papasukan ko.

23 Casa Marcos

Nung bata palang ako, madalas kami ni Ate Binay na naka-tambay sa Regal Films. Nasa Valencia pa ang office ng Regal noon, at madalas kong marinig noon na pupunta sila sa Casa Marcos para kumain ng pandesal at mushroom soup. Tumatak sa utak ko 'yon. Nung nakuha ko yung tseke ko sa Regal, pina-rediscount namin ni Ate Binay agad yung tseke sa NR Marketing, tapos pumunta kaming Casa Marcos para kumain ng pandesal at mushroom soup. Mula noon hanggang ngayon, para sa akin iyon ang pinakamasarap na pandesal at sabaw na natikman ko. Kaya siguro kapag naka-break ako sa diyeta, hindi pwedeng mawala ang pandesal sa listahan ng una kong kakainin.

24 my Rosary

Bata pa lang ako, palagi na 'kong may dalang rosary kahit saan ako magpunta. Kapag nabubwisit ako, or nalulungkot ako, rosary ang hawak ko. At kahit anong simbahan ang puntahan ko, I always make it a point na makabili ng rosary for myself, family and friends.

25 grocery - shopping

Maliban sa pagbili ng mga kailangan sa bahay, pupunta ako ng grocery kapag pagod ako sa trabaho. Meaning, segue ako sa taping at shooting. Ang ending, makakapagluto ako ng pagkain na pwede ng pumasa pang buffet.

26 my favorite footwear

Hindi ako pwedeng umalis ng bahay ng walang Chucks sa van. Mas madalas akong mag-Chucks kesa mag-slippers kapag nasa labas ako.

27 a Tiffany necklace from Ate Sharon

Nagkaron kami ng guesting sa isang talk show to promote Magkapatid. Sa end ng guesting, magbibigayan kami ng gift sa isa't-isa. Ang binigay ko, maraming ballpen na Hello Kitty at saka pencil case (mahilig kasi si Ate magsulat). Ang gift ni Ate, itong necklace. Iyak ako ng iyak. Kailangan pa ba I-explain kung bakit? Hindi na, di ba?

28 a cross from Jerusalem

Itong cross na ito, galing Jerusalem. Pasalubong ni Mommy sa aming tatlo, sa mga apo niya, pati kay Rye, nung nagpunta si Mommy ng Holy Land. Ang purpose daw nito, to keep us safe from harm and accidents.

29 identical rings from Magic Mountain

Sa bawa't biyahe namin ni Rye, may tinatawag kaming "To mark the moment". These rings ang unang-unang nabili namin bilang first time namin together na pumunta sa iisang amusement park and ito rin ang singsing na si Kuja Jeff ang nag-suggest sa amin kung ano ang ipapa-engrave namin. Priceless para sa akin ang moment na yon, na may singsing kami ni Rye at nakita ko ang dalawang lalake sa buhay ko na magkasundong-magkasundo. Nung time na 'yun, nakita ko kung gaano ako ka-suwerte magkaroon ng mga taong pumuprotekta, nagmamahal at nakakaintindi sa akin.

30 my engagement ring

Kailangan ko pa bang I-explain?

Taken from Starstudio magazine: Judy Ann Santos special issue



No comments:

Post a Comment