Judy Ann talks about the people who, for her, define the real meaning of true and lasting friendship.
It is a common misconception that it is hard to find real friends in showbiz. But Judy Ann disagrees. "Ang theory nga namin ni Ga (Ploning director Dante Nico Garcia), hindi naman mahirap maghanap ng kaibigan sa showbiz, baka hindi ka lang totoo kaya hindi na nakakahanap ng tao. Kung totoo ang pinapakita mo, magiging totoo din sila sa iyo."
But Judy Ann has also had her share of heartbreak caused by friends. A friend once betrayed her trust and left a scar that runs very deep, although she refused to go into details.
The actress is not innately a sociable person. "Ako kasi, hirap akong mag-approach sa mga tao. Hirap akong makibagay." she shares.
"Siguro I still have a little insecurity. Meron pang part of me that is a little shy. Hindi ako confident sa sarili ko."
In identifying a potential friend, Judai relies on her intuition, an ability that has proved valuable in an industry not really known for its sincerity and honesty. Her close friend, Biboy Arboleda, StarStudio Editor-in-Chief, explains how the actress developed her gift of seeing through people.
During her Mara Clara days, when Judai was still psychologically immature, she tended to trust people easily, explained Biboy. "The industry could be very cruel and she had her share of bad experiences, gaya ng niloko siya."
But Judai learned from these experiences. "And parang nahinang, yun nga yung intuition niya. Madali siyang makaramdam kapag tsinitsika lang siya or siniseryoso siya. Yes, it's a gift and a talent na innate sa kanya," he says.
Reel and real friends
Speaking of true friends, Judai feels lucky to have met so many people in the industry, people who are "real". She has established deep and lasting friendships with fellow celebrities. Here are some of them and what she loves about them:
1. Gladys Reyes
"We really did not get along well while we were doing Mara Clara. But nung nag-workshop kami para sa Sana Naman (1996), dun namin nailabas 'yung sama ng loob sa isa't-isa, which was towards the end of Mara Clara already. From then on, naging mag-best friends na kami. Pinoprotektahan niya ako sa lahat ng masamang nangyayari sa akin. Pag may problema ako o kaya siya, kami ang magkasama. Kahit hanggang ngayon, hindi kami madalas nagkikita, pero 'yung mga important moments sa buhay namin, nagte-text-an pa rin kami. Nandoon pa rin kami para sa isa't-isa. Si Gladys ang isa sa mga pinakatotoong taong makikilala mo sa industriya. Pinakamabait at pinakaprangkang tao at nakakatawa siya.
2. Beth Tamayo
I worked with her in Esperanza. Silang dalawa ni Kuya Jeff (Jeffrey Santos, Judai's brother) talaga ang magkabarkada sa simula't-sapul pa. And then basta nag-blend na lang kami hanggang ngayon. Nung pareho pa kaming single, kami ang magka-date saValentine's Day, Pasko at Bagong Taon. Pati sa culinary courses, kami rin. Kahit nung mag-asawa siya at magka-jowa na ako, magkasama pa rin kami. Isa sa mga taong hindi ko ini-expect na magiging best friend ko hanggang ngayon. Siya talaga ang tinatawagan ko kapag masayang masaya ako o malungkot na malungkot ako. At saka parang parehong-pareho kami ng guhit ng palad. Yung mga nararanasan niya dumarating din ako sa puntong ganon. Bago ko pa maranasan, naranasan na niya. At saka totoong totoo si Beth.
3. Mylene Dizon at Jolina Magdangal
Puwede ko silang pagsamahin kasi kami 'yung bumuo sa Gimik (1996-1999) days. Looking back on those memories, ang saya-saya. Until now, magkabarkada pa rin kami ni Mylene. Nagkikita pa rin kami. Nagsasabihan pa rin kami ng sikreto. Si Mylene, kailangan ko pa bang sabihin kung gaano siya katotoong tao? Hindi na, di ba? Makikita mo na 'yun, pagpasok pa lang ng kuwarto, mararamdaman mo na 'yon. Sa sobrang pagka-totoo niya, ikaw na mismo ang mag-iisip, 'Kaya ko ba ang babaeng ito?' Natakot ako sa kanya noong una.
4. Sharon Cuneta
Kapag nakikita ko siya, nasa-starstruck pa rin ako. Ito palang si Ate Sharon ang pinaka-simpleng taong makikilala mo sa mundo ng showbiz. Simpleng bagay lang ang makapagpapaligaya sa kanya. Simpleng kumusta sa text. May ate akong nasusumbungan. Napakatotoo ng advice niya sa akin, mapa-career or personal life, andyan talaga siya.
At saka ang text niya, hindi matatawaran 'yan, three or four pages at lahat ng text niya sa akin, naka-save so I can re-read them. I'm so blessed that I have her to guide me all throughout this year, to pacify me, to encourage me. Napakatalino niya na sa sobrang talino niya at sobrang daming pinagdaanan, makikinig ka talaga. Ang turingan namin, magkapatid talaga.
5. Movie directors
In fairness, lahat ng direktor na nakakatrabaho ko, lahat nagiging good friends ko. Kumbaga lahat sila, dumadagdag na sa ugat ng puso ko kasi masyado akong na-attach sa kanila. Hindi ako makakapagpakita ng kaplastikan sa mga direktor ko kasi mata pa lang, alam na nila. Alam nila pag galit ako, napaka-transparent ko kasing tao. Sa mga direktor ko na-realize na hindi ko lang talaga sila basta direktor. Sila 'yung mga taong nagbigay ng enough time for me to discover that I could still dig deep when it comes to acting. Walang nakakalabas nun maliban sa iilan.
6. Ryan Agoncillo
We started as friends. Nagkahingahan muna kami ng sama ng loob from experiences, kasama na yung past relationships. Naging magkaibigan muna kami niyan. Lumalabas kami para gumimik at nag-uusap lang. Hanggang sa na-realize na lang namin, 'Ay hindi ko kayang hindi kita makita ng isang araw.' I'm very lucky to have Ryan. He's my neutralizer. Ngayon ko pa lang napag-tagni-tagni. He was able to fix a lot of relationships, and bring out the best in me. Nakakapanibago ang feeling na may isang taong umaayos o tumutulong mag-ayos ng lahat. 'Dun ko na-feel nung time na 'yon na mahaba ang buhok ko dahil may isang lalaking dumepensa sa akin. Ang tagal ko hinintay 'yon. Resigned na ako na walang dadating na knight in shining armor. Ako lang nag-de-defend sa sarili ko. 'Nung time na 'yon, Ryan helped me realize na may mga bagay talagang dapat panindigan, may mga bagay na dapat kang gawin para maramdaman ng tao, na pag di mo ginawa, nakakatawa ka na, walang maniniwala sa 'yo.
Ryan made me realize na di lahat ng lalake, lolokohin ka. He showed me that life always has to be looked at in two ways. You look at the positive way, and the negative things that might happen if you do this. Napaka-honest din niya. After the Lord at nanay ko, si Ryan na siguro yung pinaka-honest na tao. He'll be honest with you, even if it means masasaktan ka, but he will still explain things to you and pacify you.
7. Alfie Lorenzo
I've been with Tito Alfie 15 years. Ang utang na loob, di na matatawaran. Masakit lang na pag may ibang tao na nakikisali sa issue. Yung di namin pagkakaintindihan last year, I said sorry kung nakaramdam siya ng pambabastos. I explained things to him. I appreciate everything he's done and is doing for me.
Taken from StarStudio Magazine: Judy Ann Santos Special Edition
No comments:
Post a Comment