Friday, March 5, 2010

John Regala, Nagwala!

LinkGrand.com

By Raffy Tulfo

Isang empleyado sa isang sangay ng Standard Insurance company sa Maynila ang nagsumbong sa SHOOTING RANGE kamakailan.

Ayon sa nasabing empleyado, nagmistulang eksena raw sa isang pelikula ang pagwawala ni John Regala sa kanilang opisina ilang buwan na ang nakakaraan.

Bago sa nasabing insidente, nabundol daw ng isang provincial passenger bus -- na insured ng Standard -- ang SUV ng aktor. Pagkatapos maipa-estimate ni Regala sa isang kakilalang talyer ang halaga ng repair, iprinisinta niya ito sa Standard.

Pumalag ang adjuster nang makita niya ang halaga ng estimate dahil sa sobrang taas nito. Ipinaliwanag ng naturang adjuster sa aktor na ang computation nila ay mababa lang dahil galing Subic ang kanyang SUV.

Sumiklab daw agad sa galit si Regala at pinagbubulyawan niya ang nasabing adjuster at sinabihan pang "Magkano ka ba, 'di mo ba alam kung magkano ang halaga ng pera ko sa bangko? Kaya kong bayaran ang buhay mo!"

'Di raw nakapalag ang adjuster at natameme na lang lalo pa nang makita niya ang dalawang mukhang butangerong bodyguards ni Regala na nakapaligid sa kanya. Humupa na lamang daw ang tensiyon nang makialam ang isang supervisor at inamo-amo si Regala. Sa bandang huli, napagbigyan din daw ang kagustuhan ng kontrabidang aktor.

Taken from Pinoy Parazzi



No comments:

Post a Comment